Basta masaya ka

Sabi nila nasa huli ang pagsisisi.
Kasama ng pagsisisi, ang walang sawang pag-hiling mo na maibalik ang dati.
Minsan para maramdaman ulit ang mga nawala, pero kadalasan, para maitama ang mga maling nagawa..

Sakin - maibalik ang dati, maramdaman lang ulit ang saya.
Saya na dala ng mga ngiti niya.
Saya na dala ng higpit ng yakap niya.
Saya na dala ng pangakong kasama siya.

Masakit palang makitang masaya siya. Masaya kasama ng iba.
Masaya dahil sa iba.
Masakit malaman na may hihigit pa pala sa saya na naramdaman niya kasama ka..
Kasi para sayo, wala nang hihigit o papantay man lang sakanya.

Basta masaya ka.
Mahal kita.
Sana makalimutan na kita.

#savethedate