pakopya..?

Love? Feelings?

mas mahirap pa ata ito kesa sa pagintindi sa mga nursing subjs o sa pagsaulo ng mga bacteria sa microbiology...
ang mga assignment, recitation, quiz, at exam, pag hindi mo alam ang sagot, siguradong makukuha mo ang sagot sa paghanap sa notes, libro, net, pagtanong sa prof, o sa pinakamadaling paraan.. Ang pagtanong sa seatmate mo.

pero ang magulong nararamdaman ng "hypothalamus" mo -kahit sa pinaka genius na tao mo itanong, mabo-bobo sa pagsagot sayo.

mahirap pag puso na ang nagtanong, ibig sabihin kasi nun, hindi na sumasang ayon ang isip mo sa nararamdaman ng puso mo. Mabigat pa dun, hindi madaling baliwalain.
bakit nga ba kasi dumadating sa point na mas magaling pa sa pagkontra ang isip? Hindi ba't mas madali kung susundin na lang ang nararamdaman ng hypothalamus?!

paano mo ba malalaman kung tama ang sinasabi ng isip mo, o nadadala lng ng takot sa nararamdaman ng puso mo?
naryang sa puso mo, mahal mo siya pero dahil matalino ang isip mo, nilalabanan mo ang nararamdaman ng puso mo.
paano at kelan mo ba hustong masasabing tama ang isip mo? Sinong makakapag patunay na mali ang puso mo? Pwede rin naman na nagmamatigas lang ang matigas mong ulo dahil natatakot ka sa pwedeng mangyari.. Sa pagmamatigas at takot mo, pwedeng dumating huli na ang lahat.. Na sa huli, malalaman mong "mali ang matalino mong isip at tama ang takot mong puso"

pag dumating sa point na yun, panigurado, wala kang choice kundi ang magmukmok, magmaktol, magsisi, at marahil, ang mag-inom at magsindi ng 5 kaha ng yosi.. Tsk!

oo.. Magulo.. SOBRA! pero kailangan pa bang umabot sa pagsisisi?!

kung alam mo lang..
(swerte ka kung hindi mo alam at sana hindi mo narin malaman pa..) DAHIL MAGULO TALAGA!

Love? Feelings? -sino may sagot? (pakopya!)

c",)

3 mga epaL:



Isabel said...

Wala din akong sagot. Hirap talaga nito. Dinaig pa yung major exams natin. :)

chelle9teen said...

sakto!! =)

imyourhighness said...

tamaa! iba talaga pag yan ang topic, walang DL-DL dito.. :D

Post a Comment